ANUMANG katanungan ang hindi nasagot ng mga isinalang na testigo, kailangan sagutin mismo ng pangalawang pangulo.

Ito ang giit ni private prosecutor Atty. Jay Tolosa kaugnay ng P98.6-million net worth na idineklara ni Vice President Sara Duterte sa pagtatapos ng taong 2025.

Sa isang kalatas, nanindigan si Tolosa sa presensya ni Duterte para ipaliwanag ang hindi magkatugmang datos ng “legitimate income” at “financial records” na nakapaloob sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng bise-presidente.

“Merong intensyon kami pagkatapos nito tawagin siyang witness para mabigyan siya ng pagkakataon na makapag paliwanag,” wika ni Tolosa. Jr. hinggil sa Article II na naglalaman ng alegasyon ng hindi tamang pagdedeklara ng SALN at bigong pag-divest ng business interest habang nasa isang mataas na posisyon sa gobyerno.

Batay sa mga dokumentong ipinakita ng Office of the Ombudsman sa nakaraang impeachment trial, lumalabas na noong 2007, ang unang taon na pumasok sa gobyerno, P7.25 milyon lang umano ang idineklarang net worth ni Duterte.

Pagsapit ng taong 2025, pumalo na sa P98.66 milyon na ang kabuuang halaga ng yaman ng pangalawang pangulo.

Kabilang sa mga butas na nakita ng prosekusyon ay ang hindi pagdedeklara ng bise presidente ng cash on hand o maging cash bank sa isinumiteng SALN mula taong 2019 hanggang 2025.

Bukod, may mga SALN ang akusado kung saan inilista ito ng mga kompanya o business interests subalit walang inilagay kung ilan at magkano ang shares of stocks nito o kaya’y acquisition costs.

Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa nasabing impeachment article, bukod sa SALN, nais ding busisiin ng ng prosekusyon ang corporate, tax, bank at iba pang independent records para ihambing sa idineklarang yaman ng bise presidente.

Kasama rito ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) data kung saan nakita ang kabuuang P6.77 billion covered at suspicious transactions sa bank accounts ng bise presidente at asawa nitong si Atty. Manases Carpio, mula 2006 hanggang 2025.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *