KUNG pagbabatayan ang rekord ng Securities and Exchange Commission (SEC), lumalabas na hindi binitawan ni Vice President Sara Duterte ang “business interests” sa iba’t ibang pribadong kumpanya. Sa pagpapatuloy ng paglilitis ng Senado sa Article II ng impeachment charges, lumitaw sa General Information Sheet (GIS) ang pangalan ng pangalawang pangulo bilang board director ng Metro City Chow Foods Corp. Ayon kay SEC Company Registration and Monitoring Department Director, Atty. Gerardo F. Del Rosario, nasa GIS ang pangalan ni Duterte sa naturang kumpanya mula 2018 hanggang 2025 — bagay na tumutugma sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Duterte noong Disyembre 2024. Sa naunang direct examination ni private prosecutor Atty. Erwin Matib, sinabi ni Del Rosario na lumalabas din sa records ng SEC na ang bise presidente ay mayroong 500 shares, na nagkakahalaga ng ₱50,000, o katumbas ng 20 percent ng korporasyon. Kinumpirma rin niya na sa 2024 at 2025 filings ng Metro City Chow Food Corp. ay tinukoy si Duterte bilang isang compensation committee member. Sumunod namang ipinakita ni Matib kay Del Rosario audited financial statements para sa taong 2024 at 2023 ng naturang korporasyon. Base sa Statement of Management Responsibility, nakasaad na “the board of directors is responsible for overseeing the company’s financial reporting process.” “The board of directors review and approve the financial statements and submit the same to the stockholders,” dagdag ni Del Rosario. Batay sa nilalaman ng Article VII, Section 13 ng 1987 Constitution, pinagbabawalan ang President, Vice President, Cabinet members at mga deputies o assistants na magkaroon ng kaugnayan sa negosyo o magkaroon ng financial interest sa alinmang government contract habang nasa gobyerno para maiwasan ang “conflict of interest.” Sa inihaing Article II ng impeachment charges, inaakusahan ang bise presidente ng unexplained wealth, non-disclosure, at non-divestment of financial interests, kasama na ang maling pagdedeklara ng SALN. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Prosekusyon atat talupan si Duterte bilang testigo 13 boto sapat na para patalsikin si Duterte