SA gitna ng kawalan ng katiyakan sa galaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, tuluyan nang inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang pisong dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.

Base sa memorandum ni Transportation Secretary Giovanni Lopez para sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ipinako sa P14 ang pamasahe para sa mga traditional jeep — bukod sa P2 dagdag sa kada kilometro lampas sa ikaapat na kilometrong saklaw ng minimum fare.

Pumalo naman sa P17 naman ang bagong minimum fare sa mga modern jeepney mula sa dating P15 at P2.40 para sa karagdagang kilometro.

Tagubilin ng DOTr, tupdin ang batas na nagbibigay ng diskwento sa mga mag-aaral, senior citizens at mga may kapansanan.

Ipinag-utos din na manatiling ipatupad ang mandatory discount para sa mga estudyante, senior citizen at persons with disabilities o PWD pati na rin ang pagbabantay laban sa mga abusadong nagpapatong nang sobra sa pasahe o overcharging.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *