BILANG paghahanda sa nalalapit na 2028 presidential elections, ikinakasa na ang mga posibleng tambalan para sa posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo. Sa ulat na unang lumabas na Bilyonaryo News Channel, niluluto na umano ng administrasyon ang tambalan nina former Vice President Leni Robredo at dating senador Manny Pacquiao. “A source from inside the Palace told me it’s going to be a Leni-Pacman team,” wika ni political analyst Lito Banayo sa isang panayam na inere sa Bilyonaryo News Channel. Para sa panig ng oposisyon, usap-usapan ang tambalang Sara Duterte at Senador Robin Padilla na una nang nagsabing lilisanin na ang “nakakasukang mundo ng pulitika.” Ayon kay Banayo, ang paghirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Pacquiao bilang chairman ng National Anti-Poverty Commission ay malinaw na indikasyon ng paghahanda sa halalan sa 2028. “That’s why Pacquiao was appointed National Anti-Poverty Commission chairman,” paliwanag ni Banayo. Kung pagbabatayan ang pinakabagong resulta ng mga 2028 presidential survey, nananatiling lamang si Duterte na nakasungkit ng 48 percent habang 36 percent naman ang nakuha ni Robredo. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pisong dagdag-pasahe, inaprubahan ng DOTr Biglang yaman ni Duterte, tatalupan ng prosekusyon