ANUMAN ang maging voting threshold na susundin ng Senate impeachment court, kumpyansa ang isang militanteng kongresista na mapapatunayan may sala si Vice President Sara Duterte “The Prosecution is confident in its case. The Prosecution has been ready to prove its case. And the Prosecution trusts the independent judgment of this honorable Court,” wika ni Akbayan partylist Rep. Chel Diokno. “And whatever the threshold is, however this Court decides the issue before it today, the Prosecution will do its job,” dugtong ng mambabatas. Para kay Diokno, malinaw ang obligasyon ng mga tagausig — “ilatag ang ebidensya, patunayan ang mga paratang, at panindigan ang kasong isinampa namin sa Hukumang ito.” Aniya, ang posisyon ng prosekusyon sa usapin ng voting threshold ay hindi ang pagnanais na mapababa ang bilang ng conviction votes laban kay Duterte. “Our responsibility is not to find the most favorable arithmetic. Our responsibility is to prove the Articles of Impeachment within the bounds of justice,” ani Diokno. Ito rin ang binigyan-diin ni House Prosecution Legal Spokesman Jay Tolosa at sinabing tiwala ang kanilang panig sa tibay ng mga ebidensya at testigong naiprisinta na at nakatakda pa lamang ilatag sa impeachment trial para ma-convict ang akusado. “Ang sinasabi namin hindi kami humihingi ng mas paborableng interpretation nito, paborableng numero…dahil consistent kami, malaki ang kompiyansa namin sa ebidensiyang meron kami. So regardless kung anong magiging desisyon pareho ang magiging trabaho namin,” sabi pa ni Tolosa. “At sa huli, ganoon pa rin ang mangyayari. Pagtapos na kami sa obligasyon namin na maglatag ng ebidensya, ang mga senator-judges naman ang gagampanan ng kanilang obligasyon na magdesisyon batay sa mga ebidensyang nailatag ng magkabilang panig.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Santambak na red flag buking sa 2027 budget ng DPWH