MASUSING pinag-aaralan ng prosekusyon ang posibilidad na isalang si Atty. Mans Carpio para tumestigo sa mga kasong kinakaharap ng kabiyak na si Vice President Sara Duterte. Ayon kay House Prosecution Legal Spokesperson and Private Prosecutor Jay Tolosa, bagama’t hindi kasama sa kasalukuyang listahan ng mga saksi ng prosekusyon si Carpio, ay maaari pa rin hilingin ng prosekusyon na ipatawag at isalang sa witness stand ang abogado. “Pwede naman po dahil meron naman general reservation at meron naman instance na pinayagan na rin tayong gawin ’yan,” ani Tolosa. “At sabi nga ng impeachment court, we just have to give them ample time to prepare, ’yung other party and the court, para dapat ma-notify sila in advance,” dagdag niya. Sakaling pagbigyan, sinabi ni Tolosa na hindi ring imposible na gamitin ni Carpio ang tinatawag na spousal privilege sa kanyang pagiging testigo sa impeachment trial ng asawa nito. “Well, as a rule, meron spousal privilege, but kung paano ’yan, it’s subject to certain limitations and restrictions,” ani Tolosa. Sa ilalim ng Rules on Evidence, binibigyan ng proteksyon ang pagbibigay ng testimonya sa pagitan ng mag-asawa at mayroon ding tinatawag na confidential marital communications, bagama’t ang buong saklaw nito ay maaaring tukuyin ng impeachment court. “Kung paano ’yan ma-apply dito sa kaso na ’yan, we will see if and when we will call him as witness,” paglilinaw pa ni Tolosa. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Solon keber sa threshold, Sara patutunayan guilty Face-off kasado sa pagitan ni Mayor Baste at Trillanes