AGAW-BUHAY ang tatlo sa 10 sundalong sugatan matapos tambangan ng hindi pa natutukoy na armadong grupo ang military convoy sa bayan ng Tipo-tipo sa lalawigan ng Basilan.

Sa ulat ng natanggap ng punong himpilan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kabilang sa mga nasugatan si Lt. Col. Frank Baylon na sakay ng pitong sasakyang convoy na patungo sana sa headquarters ng 1101st Infantry Brigade.

Si Baylon ang tumatayong commander ng 45th Infantry Battalion.

Agad naman isinugod ang mga sugatan sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente. 

Bago pa man ang pananambang, nasakote ng 45th Infantry Battalion sa isang military operation ang isang babaeng sinasabing konektado sa isang kilalang bandido sa naturang lalawigan.

“Investigators are looking into possible retaliation as a motive, particularly following a military operation the previous week that resulted in the capture of a woman allegedly linked to a notorious terrorist and identified as the wife of suspected lawless group leader Siddik,” pahayag ni Brig. Gen. Frederick Sales, commander ng 1101st Infantry Brigade ng Philippine Army.

Sinusuri rin ng mga awtoridad ang posibleng pagkakasangkot ng grupo ni Saddam Siddik.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *