KASABAY ng pagbibigay-pugay sa hanay ng mga magsasaka, tiniyak ni House Speaker Faustino Dy III ang kahandaan ng Kamara pakinggan ang sentimyento ng sektor nang hindi isinasakripisyo ang kapakanan ng mga magbubukid, mangingisda at iba pang manggagawa. Binigyang diin ni Speaker Dy ang pagpapalakas at pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura — higit lalo sa mga liblib na lugar. Sa kanyang talumpati sa fifth leg ng LegisHear, na ginanap sa Victorias City, Negros Occidental, sinabi niyang ang naturang okasyon ay patunay na binibigyan ng ibayong atensyon ng Kamara ang mga magsasaka at direktang maiparating sa kanila ang anumang kinakailangang tulong mula sa pamahalaan. “Kaya naman nandito po ang Kongreso para sa ganun mapag-usapan din po natin kung ano pa ang dapat natin maidagdag para sa ganun ang kapakanan, ang kabutihan at proteksyon ng bawat magsasaka,” wika ni Dy. “Hindi lamang po dito sa Negros, kundi sa buong bansang Pilipinas, kailangan patas at makabuluhan ang pagtulong po natin sa bawat magsasaka.” Aniya, kinikilala ng Kongreso ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga magsasaka sa pagtataguyod ng food security at national economy. “Mabuhay po ang ating mga farmers. Maraming-marami pong salamat sa ating masisipag na farmers. Sapagkat kung wala po ang ating magsasaka, hindi po mabubuhay ang ating bansa.” Samantala, ibinida naman ni Senior Deputy Speaker Ferdinand “Dinand” Hernandez na patunay sa pagkakaroon ng malasakit ni Speaker Dy sa mga magsasaka ay ang paglaban nito na panatilihin ang P10 billion budget ng gobyerno para sa pagtulong sa local farmers sa ilalim ng 2027 national budget. “Last year, no less than the Speaker made sure that P10 billion was provided in the 2026 budget as intervention for our farmers and fisherfolk. These funds were distributed, but in the proposed 2027 budget, the allocation was taken out,” kwento ni Hernandez. “Thursday evening, we convened the Budget Amendments Review Subcommittee. The Speaker made sure to convey to the BARSc members that the P10 billion subsidy for our farmers should be restored. So, last night, we included in our proposed amendments the restoration of the P10 billion intervention for our farmers. Thank you, Mr. Speaker,” dugtong ng kongresista. Samantala, nagpaabot din si Speaker Dy ng suporta sa hakbangin magpapalakas ang pagbibigay ng proteksyon sa hanay ng sugarcane farmers. Partikular na dito ang House Bill No. 9088, o ang Tunay na Ugnayan, Buhay, at Oportunidad sa Asukal (TUBO) Act, na akda ni House Assistant Majority Leader at Negros Occidental 3rd Dist. Rep. Javier Miguel “Javi” L. Benítez. Paliwanag ni Benitez, ang TUBO Act ay tugon sa import shocks, pagbaba sa farm prices at government support para sa sugar industry kung saan kapwa apektado ang local sugarcane farmers at workers. Nakapaloob din ito ang five major reforms kabilang na ang pagtaas sa industry funding, paglalatag ng sugar imports, pagkakaroon ng price-support mechanism, mahigpit na pagbabantay sugar mills, at higit na transparency government decisions-making sa sugar sector. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 2 estudyante dedbol sa fun run, Speaker Dy napasugod Military convoy inambush sa Basilan, 10 sundalo sugatan