MULING humugong ang usap-usapan sa napipintong pagsibak kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla matapos makatas ang puganteng suspek sa likod ng kontrobersyal na kaso ng mga tinaguriang missing sabungero. Ayon sa isang impormante nasa Palasyo, dismayado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtakas ng negosyanteng si Atong Ang. “Hindi na natutuwa ang presidente kay Jonvic… puro daw presscon, wala naman resulta. Tapos ngayon natakasan pa siya,” wika ng impormante. Samantala, kinumpirma na rin ni Remulla na nakalabas na ng bansa si Ang. “Backdoor siya,” pahayag ng Remulla sa isang press briefing . Tumanggi na rin magbigay ng karagdagang detalye ang Kalihim kung kailan o paano nakalabas ng bansa si Ang. Buwan ng Hulyo ng kasalukuyang taon, sumingaw ang balita hinggil sa umano’y pagtakas ni Ang patungo sa Cambodia. Nahaharap si Ang sa mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention kaugnay ng pagkawala ng ilang sabungero noong 2021 hanggang 2022. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Villar: Libreng HMO para sa mga kawani ng gobyerno 7 OFW sugatan sa opensiba ng Houthi forces sa Saudi Arabia