NASA kritikal na kondisyon ang tatlo sa pitong Overseas Filipino Workers (OFW) matapos ang panibagong pag-atake ng Houthi forces sa Saudi Arabia.

Sa isang kalatas, nagpahayag ng pagdadalamhati ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pamilya ng mga apektado sa pag-atake.

“The Department of Foreign Affairs and the DMW are coordinating with Saudi authorities to provide necessary medical care and assistance, while reaffirming the Philippines’ solidarity with the Kingdom in protecting its nationals and residents, including nearly one million Filipinos,” saad ng DFA sa isang pahayag.

“These attacks are a grave threat to regional peace and stability. The Philippine Government calls on all parties to cease hostilities and to pursue a peaceful resolution through dialogue and diplomacy,” dugtong ng ahensya.

Naganap ang mga pag-atake sa King Khalid International Airport sa Riyadh, kung saan hindi bababa sa 12 katao ang nasawi. Nasa 300 naman ang iniulat na nasugatan.

Payo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pinoy sa Saudi Arabia, sundin ang mga abiso ng mga pamahalaan sa naturang bansa habang ikinakasa ang repatriation sa mga migranteng manggagawa sa nasabing bansa.

Sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nasa 34 OFW mula sa Saudi Arabia ang dumating sa Pilipinas noong nakaraang Lunes. Inaasahan naman anilang makakabalik sa bansa ang 65 pang OFW ngayong linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *