MULING nalagay sa kahihiyan ang pambansang pulisya matapos ibuking ni Senador Raffy Tulfo ang umano’y pagkawala ng mga naka-impound na sasakyan sa loob mismo ng punong himpilan ng Philippine National Police (PNP).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, ibinahagi ni Tulfo, ang mga reklamo mula sa may-ari ng mga carnapped vehicles na narekober ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Ayon kay Tulfo, hindi agad naibabalik sa tunay na may-ari ang mga narekober na sasakyan dahil ginagamit ng mga pulis bilang personal na sasakyan.

Samantala, itinanggi ni PNP-HPG Director Brig. Gen. Joyce Patrick Sangalang ang ibinunyag ni Tulfo. Aniya, bawal sa mga pulis ang gumamit ng mga impounded vehicle nang walang pahintulot.

“Sir, that is a big no sir. We cannot do that,” wika ni Sangalang.

Gayunpaman, iginiit ni Tulfo na may mga pulis na nakakalusot dahil hindi naman aniya pinapaalam sa nakatataas na opisyal.

“I know you cannot do that, you should not be doing that. But some of your colleagues, some of the members of the HPG are doing that,” giit ng senador.

“Alangan namang sabihin ng mga tauhan mo, ‘Sir, gamitin ko ‘tong carnapped vehicle na ‘to muna ha. Pangsundo ko sa misis ko. Pangsundo ko sa girlfriend ko.’”

“Of course, they wouldn’t say that to you. Behind your back they can do it. And they’ve been doing it. It’s been happening,” aniya pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *