PALAISIPAN para sa panig ng House prosecution ang malaking pagkakaiba kapag pinaghambing ang assets declaration ni Vice President Sara Duterte sa corporate records ng GenCorp Industries Inc.

Binigyan-diin ni House trial spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na sa 2024 at 2025 Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng bise presidente ay nakasaad na may “shares of stocks” sa GenCorp, pero wala ang pangalan ni Duterte sa record ng Securities and Exchange Commission (SEC).

“This is not a technical or ano, or nagkamali lang, technical error. Kasi dalawang taon po niya itong nilista sa kanyang SALN,” wika ni Alonto Adiong.

“Ang SALN po, to make it official, pinapanumpaan po ito ng mga opisyal ng ating gobyerno. Sinusumpa po nila na tapat ’yung nililista nila doon,” dagdag ng mambabatas.

Ayon kay Adiong, dahil sa magkasalungat na mga rekord ay nagkaroon ng malaking katanungan sa tunay na business interest ni Duterte sa GenCorp.

Sa pagprisinta ng prosekusyon sa Article II o unexplained wealth charge laban sa bise presidente, kasama sa mga binusisi ang GenCorp. Na nakasungkit ng 19 kontrata sa Davao City government. Ang halaga — P34.2 million.

Bukod sa GenCorp, sinilip din ang Metro City Chow Foods Corp. at Cale88 Foods Corp., na sinasabing may kaugnayan din kay Duterte at mister na si Atty. Manases “Mans” Carpio. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *