BANGKAY na nang matagpuan ang mag-live-in partner matapos ma-trap sa banyo matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Cubao, Quezon City. Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas 5:00 ng hapon nang magsimulang lamunin ng apoy ang mga kabahayan sa kahabaan ng Kalye Stanford sa Barangay. Rodriguez. Kabilang sa mga natupok ang tahanan ng live-in partners . Ayon sa nakababatang kapatid ng lalaking biktima, nagtungo siya agad sa lugar dahil hindi na makontak sa telepono ang dalawa habang siya ay nasa Rizal. Nabatid niyang pumasok ang kanyang kuya sa nasusunog na bahay upang iligtas ang natutulog na kinakasama. Sinubukan umanong pigilan ng mga residente ang lalaki dahil lakas ng apoy, ngunit nagpumilit pa rin pumasok sa bahay na natutupok. Sa ulat ng BFP hindi bababa sa 120 kabahayan ang naabo, habang nasa 200 pamilya naman ang umano’y apektado. Tinatayang 120 kabahayan ang natupok at nasa 200 pamilya ang naapektuhan ng sunog. Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng sunog at halaga ng natupok na ari-arian. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation 3 menor de edad kalaboso, nangholdap sa Kyusi