BAHAGYANG madadagdagan ang sahod ng mga minimum wage earners mula sa mga lalawigang sakop ng Western Visayas at Soccsksargen region. Gayunpaman, nilinaw ni Labor Secretary Francis Tolentino, magkakabisa ang bagong wage order para sa mga manggagawa sa mga nabanggit na rehiyon pagsapit pa ng Nobyembre 19. Ayon kay Tolentino, inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang dagdag-sahod matapos ang mga konsultasyon sa hanay ng mga manggagawa at employer. Sa Western Visayas, magiging P590 ang arawang minimum wage sa mga non-agricultural establishment na may higit 10 empleyado, habang P565 naman sa maliliit na establisyimento at mga agricultural worker. Tataas din sa P7,000 mula P6,500 ang buwanang minimum wage ng mga domestic workers sa rehiyon. Samantala, aabot sa P41 ang dagdag sa arawang minimum wage sa Soccsksargen. Gayunpaman, hahatiin sa dalawang bagsak ang umento — una sa Nobyembre 19 habang papatak naman sa Enero 1 ang ikalawang bugso. Tatanggap din ang mga domestic workers sa Soccsksargen ng P6,450 buwanang minimum wage. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Ina minartilyo sa ulo bago tinapon sa poso negro 5 ‘akyat-bahay’ todas sa Bacoor shootout