PORMAL nang nanumpa na sa tungkulin bilang ika-28 punong mahistrado ng Korte Suprema si Rodil Zalameda. Sa isang seremonya sa Malacañang, personal na pinangasiwaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panunumpa ni Zalameda. Nasaksihan din ng pamilya ng bagong punong mahistrado ang seremonyang ginanap sa Palasyo. Kamakailan lang nang italaga ng Pangulo si Zalameda sa pinakamataas na posisyon sa hudikatura kasunod ng pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo noong Nobyembre 6, 2026. Sa impormasyong ibinahagi ng Korte Suprema, mahigit tatlong dekada ang karanasan ni Zalameda sa hudikatura at sa legal profession. Bago pa man maabot ang pinarurok na pwesto sa hudikatura, nagsilbi si Zalameda bilang branch clerk of court, pribadong abogado, public prosecutor, associate justice ng Court of Appeals at associate justice ng Korte Suprema. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Unang testigo ng depensa, walang kwenta?