KALABOSO ang isang lalaki matapos umamin na itinapon ang bangkay ng anak na sanggol sa isang basurahan sa tabi ng kalsada sa Quezon City, noong Undas. Sa ulat ni Lt. Jamaica Juaton na tumatayong hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-12 ng tanghali noong Nobyembre 1 nang mahulican ang isang rider na nag-iwan ng berdeng bag na naglalaman ng patay na sanggol sa basurahan sa kahabaan ng Regalado Highway sa Barangay North Fairview. Ilang saglit pa, isang basurero ang nangalkal sa basurahan kung saan tumambad ang patay na sanggol na babae. Matapos itawag sa pulisya ang nadiskubreng bangkay, mabilis na nagsagawa ang QCPD ng backtracking at forward tracking sa mga CCTV footage. Nitong Lunes na madaling araw (Nobyembre 9), sumuko ang suspek sa isang barangay kagawad matapos malaman na tinutugis na siya ng mga pulis. Inamin ng suspek na magulo ang isip niya noon kaya itinapon na lamang sa basurahan ang sanggol at pinaniwala ang kasintahan na nailibing niya ito sa sementeryo. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 856 o Sanitation Code of the Philippines. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Warden ng Quezon City Jail, laban bawi sa testimonya Tambalang Revillame-Tulfo, namumuro sa Quezon City