PORMAL nang hinirang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Associate Justice Rodil Zalameda bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema kapalit ng nagretirong si Chief Justice Alexander Gesmundo, ayon sa Presidential Communications Office (PCO). “His experience across the different levels of our judicial system gives him a comprehensive understanding of the courts and the people they serve,” wika ni PCO Sec. Lino Cayetano. Inaasahan naman aniya ng Pangulo na pamumunuan ni Zalameda ang Korte Suprema nang may integridad, pagiging patas at matibay na paninindigan sa “rule of law.” Magsisilbing punong mahistrado ang 63-anyos na si Zalameda hanggang sa 2033. Taong 2019 nang itinalaga ni former President Rodrigo Duterte si Zalameda bilang Associate Justice ng Korte Suprema. Matapos magtapos ng kursong abogasya si Zalameda sa Ateneo de Manila University, agad na sumabak sa private law practice si Zalameda. Matapos ang ilang taon, nasungkit niya ang pwesto bilang branch clerk of court sa Makati Regional Trial Court. Kabilang rin sa mga naging posisyon ni Zalameda ang pagiging public prosecutor at kalaunan ay naging city prosecutor ng Mandaluyong. Umabot naman ng 11 taon ang pagsisilbi ni Zalameda sa Court of Appeals. Si Zalameda rin ang may-akda ng desisyon nagpawalang-sala sa ina ni Marcos sa kasong, matapos baliktarin ng Korte Suprema ang hatol ng Sandiganbayan noong 2018. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation One-strike policy ikinasa ng DOTr kontra illegal fare hike