SA halip na maawat, lalo pang dumami ang kumpirmadong kaso ng tinaguriang African Swine Fever (ASF) sa bansa. Sa datos ng US Department of Agriculture Foreign Agricultural Services (USDA-FAS) halos walong ulit ang bilang ng mga barangay na may aktibong kaso ng ASF sa nakalipas na buwan ng Oktubre 2026 kumpara sa bilang ng mga lugar na apektado ng nakamamatay na sakit sa mga alagang baboy. “ASF remains a threat to local production. Data from the Bureau of Animal Industry indicate that the number of barangays or villages with active ASF cases rose in October 2026 to nearly eight times the October 2025 level,” ayon sa USDA-FAS. Babala ng USDA FAS, kailangan pataasin ang produksyon ng baboy bago pa man ipatupad ang pork importation ban sa susunod na taon. Una nang inihayag ng Department of Agriculture (DA) pwede na aprubado na sa Bureau of Animal Industry ang pagbebenta ng AVAC ASF LIVE, ang unang bakuna laban sa ASF ng Vietnam. Unang nadiskubre ang ASF bansa matapos ang pananalasa ng nasabing salot noong 2019. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Robin Padilla sinopla, unahin kaso ni Sara