NI ROMEO ALLAN BUTUYAN II
BINIGYANG katuparan ng Kamara, sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagnanais ni Pangulong Ferdinand m Marcos, Jr. na magkaroon ng 24/7 VIP (very important person) Lounge para sa lahat ng overseas Filipino workers (OFWs).
Ito’y makaraang personal na pasinayaan ng House Speaker ang naturang VIP Lounge sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon.
“Now, our OFWs have a place to call their own in our airports similar to premium lounges being enjoyed by privileged travelers. Itong dedicated space para sa papaalis na OFWs ay bukas na. Pwede na nilang gamitin. Binuksan namin ito batay na rin sa utos ng Pangulo ang masayang pahayag pa ni Speaker Romualdez.
“Ito’y isa lamang sa mga OFWs VIP lounge na ating bubuksan sa mga international airport sa Metro Manila, Clark, Cebu, at Davao para sa ating mga kababayan na paalis at papunta na sa kani-kanilang trabaho abroad. Gusto nating suklian ang malasakit ng OFWs sa ating bansa. Sila ang modern-day heroes. Isang legacy ito ni Pangulong PBBM,” dagdag ng lider ng Kamara.
Ayon kay Speaker Romualdez, magkakaroon din ng OFW VIP lounge sa Terminal 3 kung saan ang proyektong ito ay isinulong din ni Zamboanga Sibugay Rep. Walter Palma sa pamamagitan ng paghahain ng panukalang batas hinggil dito.
Sinabi pa ng Leyte lawmaker na libreng magagamit ng mga OFW ang VIP lounge, na kahalintulad sa mga espasyong itinatayo ng ilang airline company para sa kanilang mga business-class at first-class na pasahero.
Ibinida rin ni Romualdez ang mga komportableng upuan, wi-fi, charging stations, at power outlets, at pagkain gaya ng lugaw, sandwiches, biskuwit, itlog at mga katulad nito at inumin gaya ng tubig, kape, at juice.
“We want to show our deep gratitude and appreciation for our overseas workers for continuing to help our country grow its economy and help their families through their remittances. Making their departure as comfortable as it can be and easing their loneliness is the least we can do for them. We want them to take care of themselves for our country and their families,” sabi pa niya.
“We also intend the lounges to be a place where our departing kababayan could build or foster camaraderie, and share experiences and maybe job prospects,” dugtong ng lider-kongresista.
