Ni ESTONG REYES
UMANI ng buong suporta si Senate Majority Leader Joel “Majo” Villanueva mula sa lokal na opisyal ng isang bayan sa lalawigan ng Bulacan hinggil sa pananaw ng mambabatas sa Charter Change (ChaCha).
Sa pahayag, bumuhos ng suporta si Bocaue Vice Mayor Sherwin Tugna kay Villanueva sa pagtupad ng tungkulin nito bilang kinatawan ng mamamayan sa Mataas na Kapulungan kaugnay ng kontrobersyal na ChaCha.
“Sa harap ng diskusyon na bumabalot sa ChaCha, mahalaga para sa amin bilang public servants, na ipakita ang pagka mahinahon at political maturity,” ayon kay Tugna.
Para kay Tugna na isang dating kongresista, dapat iwasan ng lahat ng stakeholders na lumahok sa tinatawag niyang “petty disputes” at “name-calling,” partikular ang pagtarget kay Senate Majority Leader Joel Villanueva na aniya’y tumutupad lamang sa kanyang tungkulin bilang mambabatas.
“Villanueva is merely upholding the integrity and independence of the institution he represents,” giit ni Tugna, isang abogado.
“The exchanges between both houses of the legislature have sadly descended to a point where there are insinuations that reelectionist senators in the 2025 midterm election may not be able to count on the support from district and party-list congressmen,” aniya pa.
Iginiit din ni Tugna na anumang deliberasyon sa umiiral na Saligang Batas ay kailangan ng respeto at kooperasyon ng dalawang Kapulungan ng Kongreso dahil buwis ng taumbayan ang ginagamit sa lahat ng proceedings.
“Hence, I join the public in calling upon both houses of the legislature to conduct themselves with dignity, fostering debates on the merits and implications of charter change solely for the benefit of the Filipinos,” dagdag pa niya.
“Isantabi muna natin ang personal na agenda at pansariling interes, at sa halip, pagtuunan natin ang mga patakaran na tunay na magbibigay benepisyo sa ating bansa at mamamayan, nagtataguyod ng pagkakaisa at kooperasyon patungo sa kaunlaran at kasaganaan,” pagtatapos ng three-term congressman.
