WALA maski isang kumpanyang pag-aari ng Pilipino ang nakasungkit ng Certificate of Compliance na kailangan para makapag supply ng mga modern jeeps sa ilalim ng PUV Modernization Program ng Department of Transportation (DOTR).
Sa datos ng DOTR, pumalo na sa 54 models ang aprubado at ginawaran ng sertipikasyon. Sa natuurang bilang, 34 ang locally-assembled habang 20 naman buo na paglapag sa Pilipinas galing sa mga bansang China, Japan at Korea.
Sa 34 na locally-assembled modern PUV models, wala maski isa ang pagmamay-ari ng Pinoy.
Kabilang sa mga napaboran at ginawaran ng certificate of compliance ang mga sumusunod: Assemblepoint, Dongfeng, FAW, Mahindra, Dayun, Foton, Hino Hyundai, Isuzu, Tata, Sta. Rosa, Fuso, Tojo, Zhong Zhi, Zhong Tong, Jiangling Motors Corporation, Wuling, JAC Angkai, King-ling Isuzu at Yutong.
Nahati sa tatlong kategorya ang modern PUV – Class 1 na nagkakahalaga ng P1.3 milyon, Class 2 na may presyong P2.48 milyon at Class 3 sa halagang P2.65 milyon.
Bagamat kilala sa paggawa ng substandard na produkto, kapansin-pansin ang mataas na presyo ng mga China-made modern PUV na may halagang naglalaro sa P1.8 hanggang P2.8 milyon.
Samantala, dumulog sa Kamara ang Sarao Motors at Francisco Motors Corp. na kapwa tinabla ng DOTR. Giit ng dalawang lokal na kumpanya sa Kamara – tulungan sila makapag-angkat ng Euro compliant engine o electric engine.
Daing ng Sarao at Francisco Motors, iniipit, ginigipit atayaw umano sila bentahan sa mga bansa kung saan nagmula ang mga naturang makina.
