Ni ESTONG REYES
PARA kay Senador Alan Peter Cayetano, mas mainam iwasan pairalin ang silakbo damdamin sa usapin ng West Philippine Sea, kasabay ng mungkahi sa mga kapwa mambabatas na sabay na isaalang-alang proteksyon sa nasasakupang teritoryo at ang ugnayan ng Pilipinas sa bansang China.
“We have to find a way of protecting what is ours, but also balancing the proper relations with our neighbors,” wika ni Cayetano sa binigkas na interpelasyon kaugnay ng Senate Bill No. 2492 (An Act Declaring the Maritime Zones Under the Jurisdiction of the Republic of the Philippines) na sinuportahan ni Senador Francis Tolentino.
“Examine, re-examine…ano ang mas pabor sa atin. When I say kung ano ang mas pabor sa atin, kasama dun ang getting the consensus sa international community because pwede natin pasaatin lahat yun but it will spell out war to our neighbors,” paliwanag ni Cayetano.
Partikular na tinukoy ni Cayetano ang pagbabago ng mapa na isinusulong ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) noong nakalipas na administrasyon batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kung kabilang ang Pilipinas sa mga signatoryo.
Binanggit ng senador na dati nang nagpasya ang noo’y Pangulong Rodrigo Duterte si na “pabayaan ang mga mapa” sa hangarin mapabuti ang hinaharap. Ayon sa dating Pangulo, sa gayung paraan hindi magmukhang nakatali ang kamay ng Pilipinas at hindi rin aniya malilimitahan sa kung ano ang atin.
Kinuwestiyon din niya ang epekto ng panukalang batas sa pagpapalakas ng kakayahan ng bansa sa pang-angkin kung alin ang atin, gayundin ang epekto sa Treaty of Paris at UNCLOS.
“I’m quite cautious in anything we pass whether or not it will actually strengthen our claims because we really need to look at every single view, front view, back view, bird’s eye view of this,” wika niya.
Bilang tugon, sinabi ni Cayetano na dapat panatilihin ng mga mambabatas ang matibay na patakaran na may kinalaman sa panlabas na usapin dahil binabalanse nito ang interes ng Pilipinas, gayundin ang pagpapanatili ng mabuting relasyon sa ibang bansa.
“Pare-pareho tayong naninidigan to strengthen our claim. US is an ally. But iba ang interes nila sa interes natin,” aniya, habang ipinaliwanag na ang problema sa mga internasyonal na batas ay nakadepende ito sa interpretasyon.
“Anything that strengthens our position is most welcome, because mabigat ang kailangan nating harapin.”
