TAYTAY, Rizal – Hindi na nakalabas pa ng buhay ang tatlong magkakapatid na senior citizens matapos masukol sa loob ng naglalagablab na bahay sa Barangay Dolores, ayon sa Bureau of Fire Protection.
Kinilala ang mga biktimang si Gloria Valera de Silva, 77-anyos, may-ari ng bahay; at mga nakababatang kapatid na sina Celerina Valera, 56 anyos at Elvira Valera, 66-anyos na pawang nakatira sa Kilometer 36, Ortigas Avenue Extension sakop ng Barangay Dolores.
Kwento ng isang kaanak na nakilala sa pangalang Lorna Valera, nakalabas na di umano ang dalawa sa tatlong biktima subalit piniling balikan ang kapatid na may kapansanan na naiwan pala sa loob ng nasusunog na tahanan.
Ganap na naapula ang sunog pagkatapos ng isang oras. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon para tukuyin ang sanhi ng sunog.
