APAT na magkakaanak ang nasawi habang walong iba pa ang sugatan bunsod ng isang sunog sa Barangay Tinago, Cebu City nitong Martes ng madaling araw.
Batay sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 1:45 ng madaling araw nang mag-umpisa ang sunog na lumamon sa 10 kabahayan.
Kinilala ang mga nasawi – 60-anyos na si Parolito Otadoy, kanyang 54-anyos na asawang si Rosita at magkapatid na sina Joseph at Jeffrey na may edad 12w at 14-anyos.
Wala pang inilabas na pagkakakilanlan ang walong iba pang nagtamo ng paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Pansamantalang nanunuluyan sa barangay covered court ang 30 pamilyang apektado ng insidente.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa hangarin matukoy ang sanhi ng sunog.
