KAPOS man sa makabagong kagamitang pandigma, hindi pasisiil ang 77 porsyento ng mga Pilipinong nagpahayag ng kahandaan sumabak sa giyera laban sa mga dayuhang nais sakupin ang Pilipinas
Batay sa resulta ng commissioned survey na pinangasiwaan ng OCTA Research, nasa 77 percent ng mga Pinoy na nasa hustong gulang ang nanindigan at handang magtanggol sa bansa laban sa mga manlulupig.
“Across major areas, at least 60% of adult Filipinos are willing to fight for the country, with the highest percentage observed in Mindanao (84%) and the lowest percentage in Visayas (62%),” saad sa isang bahagi ng ulat ng OCTA Research.
Nakapagtala ng pinakamataas na antas ng kagitingan ang Davao at Caraga region kung saan 96 porsyento ang nagsabing handang sumapi sa armadong pakikibaka kontra China, kaugnay ng usapin sa West Philippine Sea.
Pumapangalawa naman ang Soccsksargen na may 95 percent
Kapansin-pansin naman na mas marami ang nakitaan ng kagitingan sa mga urban areas kumpara sa mga kanayunan kung saan laganap ang gutom at kahirapan.
“There are more adult Filipinos in the urban areas (80%) who are willing to fight for the country in the event of a conflict with a foreign enemy compared to those in the rural areas (73%).”
Gayunpaman, nasa 80 percent naman ng mga Pinoy na pasok sa kategorya ng Class D ang nagpahayag ng kahandaan sumagupa. Sa naturang bilang, 87 porsyento ang edad 45-54 anyos.
Sa hanay ng mga nagpamalas ng kagitingan, kapansin-pansin din ang pagdami ng mga kababaihang nais manindigan laban sa mga nais sakupin ang alinman bahagi ng kapuluan – partikular laban sa Tsino sa West Philippine Sea.
Isinagawa ang survey sa gitna ng dikit-dikit na pambabarako ng Chinese Colast sa mga sasakyang-dagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
