HINDI na nagawa pang pumalag ng isang pulis matapos arestuhin ng mga kabaro sa isang entrapment operation kaugnay ng reklamong extortion, sa tapat ng Justice Hall sa Barangay Palico, Imus, Cavite.
Hindi pinangalanan ng Philippine National Police – Calabarzon Region ang suspek na konektado pero hindi na aktibo sa Imus Police Station.
Kasong robbery extortion ang isinampa ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa Provincial Prosecutor’s Office laban sa pulis na nasa talaan ng mga AWOL (Absent Without Leave).
Ayon sa Imus Police, tinangka umano hingan ng P30,000 ang isang Christian Kuison kapalit ng “affidavit of desistance” na may koneksyon sa kasong isinampa ng nasabing police officer bunsod ng paglabag sa Land Transportation and Traffic Code.
Narekober sa suspek ang P25,000 na ginamit bilang marked money na ginamit sa operasyon.
