TAMA na, sobra na. Ito marahil ang bugso ng damdaming dama ni National Security Adviser Eduardo Año matapos makatanggap ng ulat hinggil sa tatlong navy personnel na di umano’y nasaktan sa pinakahuling insidente ng pambabarako ng China Coast Guard sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Año, nagtamo din ng pinsala ang barkong Unaizah na maghahatid ng supply sa BRP Sierra Madre.
Sa ulat ng Philippine Navy, agad na inilipat sa escort ship ang tatlong hindi pinangalanang navy personnel para lapatan ng lunas.
Kinastigo rin ni Año ang bansang China sa giit na angkinin ang buong buong South China Sea ng walang legal na basehan, kasabay na pagtitiyak na hindi magpapatinag ang bansang Pilipinas sa patuloy na panunuwag ng China sa karagatang pasok sa 200-nautical mile Philippine Exclusive Economic Zone (ECC).
