Ni LILY REYES
ASAHAN ang matindi at nakamamatay na alinsangan pagsapit ng Mayo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Base sa pag-aaral ng PAGASA, hahataw sa “extreme danger” ang temperaturang posible di umanong pumalo ng higit pa sa 52 degrees Celsius.
Katunayan pa anila, nakapagtala ang La Union nang 46 degrees Celsius na init factor nito lamang nakalipas na linggo. Inaasahan din anila ang patuloy na init at alinsangan sa buong bansa.
Inaasahan din ng PAGASA ang pagtaas ng temperatura sa lungsod ng Puerto Princesa at bayan ng Aborlan sa lalawigan ng Palawan kung saan makakaranas ng init hanggang 42 degrees Celsius heat index.
Gayunpaman, makakaranas naman di umano ng bahagyang pag-ulan ang silangang bahagi ng Southern Luzon.
“The rest of the week, we expect hot and humid weather in Metro Manila and a big portion of the country,” ayon kay Weather Specialist Veronica Torres.
Marso 19 nang magtala ng 47 degrees Celsius ang La Union.
