TALIWAS sa pangako ni Finance Secretary Ralph Recto, plano ng Department of Finance na magpataw ng buwis sa paggawa, distribusyon at paggamit mga single-use plastic bags.
Sa kalatas ng DOF, saklaw ng papatawan ng excise tax ang mga single-use plastic pouches kabilang ang ice bag, sando bag o plastic “labo.”
Sa pagtataya ng ahensya, papalo sa P100 ang ipapataw na excise tax ng DOF sa kada kilo ng single-use plastic bag, na may “4% taunang pagtaas pagkatapos ng ikatlong taon ng implementasyon.
Sa sandaling ipatupad ng gobyerno ang naturang panuntunan, tataas ng 82 sentimos kada piraso ang sando bag mula sa umiiral na 47 sentimos. Inaasahan naman papalo 91 sentimos ang magiging dagdag sa kada piraso ng sando bag.
Kumbinsido rin ang departamento na sa unang tatlong taon ng implementasyon ayy makakalikom ang pamahalaan ng tumataginting na P31.52 bilyong ilalaan naman di umano sa solid waste management program ng bawat lokal na pamahalaan.
Paglilinaw ng DOF, hangad ng kagawaran pigilan ang pagkalat ng mga single use plastic sa bansa alinsunod sa pag-aaral ng World Bank kung saan lumalabas na ang Pilipinas ang ikatlong pinanggagalingan ng ‘mismanaged plastic’ na nasa mga karagatan.
“It is the government’s duty to raise awareness on the impact of non-recyclable plastics and the irreversible effects of cli-mate change,” paliwanag ni Recto.
Una nang pinatawan ng DOF ng dagdag-buwis ang tobacco, alcohol at mga sasakyan.
