SA kabila ng patuloy na pagdami ng mga local government units (LGU) na nagdeklara ng state of emergency, hayagang tinnabla ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panawagan palawigin sa buong bansa ang kahalintulad na deklarasyon dahil sa epekto ng tag-init na sinabayan pa ng El Niño phenomenon.
Katwiran ni Marcos – magkakaiba naman ang sitwasyon ang bawat lugar.
Para kay Marcos, nasa posisyon ang mga lokal na pamahalaan magpasya kung ano ang makabubuti sa nasasakupang lalawigan, lungsod at bayan.
“Hindi ito, iba-iba ang problema sa bawat lugar eh. Hindi naman pwedeng shotgun lang, one size fits all no. It has so, we look at each area and see what it is that they need. So, that’s what we are, that’s the way we are handling the local state of calamity that the local governments are declaring,” wika ng Pangulo.
Dagdag pa ng Pangulo, meron naman aniyang mga hakbang na ginagawa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para maibsan ang epekto ng matinding tag-init na nararanasan sa sa buong bansa.
