
Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
ALINSUNOD sa direktiba ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, isang resolusyon ang inihain ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa layong busisiin pambubugbog ng Taekwondo black belter sa 17-anyos na newbie sa Bocaue, Bulacan.
Sa resolusyong akda ni Tulfo kasama sina ACT-CIS partylist Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Cong. Eric Go Yap, at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Wendell Tulfo, target ng mga kongresista rebyuhin ang umiiral na safety protocols, panuntunan at regulasyon matapos payagan di umano ng coach makipag sparring ang 17-anyos na babaeng trainee sa lalaking di hamak na mas malaki at pasok sa kategorya ng black belter sa Taekwondo.
“The circumstances surrounding this incident raise serious concerns about the safety protocols, supervision, and regulations within the Taekwondo community, particularly regarding the appropriateness of match-ups between practitioners of different skill levels during training sessions,” giit ni Tulfo sa nasabing House Resolution 1670.
“The safety and well-being of athletes, especially minors, should be paramount in any sporting activity, and coaches and trainers have a duty of care to ensure that training sessions are conducted in a manner that minimizes risks of injury or harm,” dagdag pa niya.
Nais din alamin ni Tulfo kung sino at anong ahensya ang nagbabantay at tumitingin sa mga training session, hindi lamang sa Taekwondo kundi maging sa ibang contact sports.
“Lalo na ngayon, maraming summer classes sa iba’t ibang klaseng sports, hindi lang sa taekwondo, pero maging sa basketball, swimming, football, tennis, at iba pa. Gustong malaman ni Speaker Romualdez, kung sino ang nagbabantay sa mga ito para masigurong ligtas ang mga nagte-training na karamihan ay mga menor de edad? Paano natin masisiguro ang kaligtasan nila?”
“It is imperative to ensure accountability and transparency in the sports sector, particularly in matters concerning the safety and welfare of athletes, coaches, and stakeholders involved in sports development and promotion,” ang nakasaad pa sa HR 1670.