SA halip na suportahan ang lider ng kinabibilangang lapian, iwas-pusoy ang ilang kasapi ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP) sa mga pinakawalang patutsada ni former President Rodrigo Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Partikular na tinukoy ni Palawan Rep. Jose Alvarez na tumatayong presidente ng PDP ang hamon ni Duterte kay Marcos para sumailalim sa drug test para pasinungalingan ang usap-usapan hinggil sa paggamit di umano ng droga ni Marcos.
Paglilinaw ni Alvarez, malaya si Duterte (na tumatayong PDP chairman) magpahayag ng sariling saloobin pero di naman aniya pwedeng pwersahin ang mga miyembro ng partido na sumama sa panawagan nagsusulong na patalsikin si Marcos sa trono.
“Our party chairman right now being a former president can say anything he wants but us in the party hierarchy, we are consolidators, we are peacemakers, we are the forefront for peace and prosperity of the nation,”wika ni Alvarez sa isang pulong-balitaan.
“So therefore, whatever other rhetoric above us, please do not involve us,” pakiusap ng kongresista sa media.
Bukod kay Alvarez, gayundin ang posisyon ni Cebu City Mayor Mike Rama.
