SA halip na balikbayan box, labi ng dalawa Pilipino ang laman ng mga kahon na dumating sa bansa matapos bombahin ang sinasakyang cargo vessel sa hilagang bahagi ng Black Sea sa bansang Ukraine.
Bukod sa dalawang seaman na nasawi, sugatan din ang 12 Pinoy, habang “missing” naman ang isa pa sa nangyaring drone attack kamakailan.
Sa isang kalatas, ibinahagi naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac apat sa 12 sugatang Pinoy seaman ay nakabalik na sa Pilipinas.
Ipinagbigay-alam na rin aniya ng ahensya ang sinapit ng dalawang nasawi sa naturang drone attack.
Naiparating na rin aniya sa pamilya ng Pinoy seafarers ang sinapit ng kanilang kaanak.
