SA pagreretiro ng dalawang mahistrado, dalawang regional trial court judge ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang mga bagong karelyebo.
Kabilang sa mga bagong mahistrado ng Sandiganbayan si Presiding Judge Gener Gito ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206.
Bukod kay Gito, pasok din sa hanay ng mahistrado ng Sandiganbayan si Judge Jay Miguel ng Mandaluyong RTC Branch 281.
Sa kumpas ni Gito napalaya si De Lima mula halos pitong taong pagkakapiit sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa gawa-gawang kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
“Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby appointed Associate Justice, Sandiganbayan, vice Oscar C. Herrera Jr.,” ayon sa liham na nilagdaan ni Pangulong Marcos.
Si Miguel naman ang papalit sa pwestong binakante ni Associate Justice Efren Dela Cruz.
