NAWALAN ng pandinig ang isang 23-anyos na babae mula sa Central Luzon matapos umanong maputukan ng kwitis, ayon sa Department of Health (DOH).
Muli na namang pinaalalahanan ng DOH ang publiko na ang mga papuntok ay posibleng magdulot ng kawalan ng pandinig. Ang tunog umanong nililikha nito ay 140-150 decibels (dB) na nagkapagdudulot ng sakit at pinsala sa tenga.
“Loud noises above 120 dB can cause immediate harm to the ears,” ayon sa DOH.
Sinabi ng DOH na gumamit ng proteksiyon para huwag mapinsala ang pandinig sa malalakas na paputok tulad ng paggamit ng earplugs o earmuffs. Lumayo rin umano sa mga paputok o kung manonood ng fireworks display ay kailangang nasa ligtas na lugar.
Sakaling makaranas ng sakit, pagkabalisa o ringing sa tenga, agad nang magtungo sa doktor.
Samantala, umaabot na sa 96 fire fireworks-related injuries ang naitala sa buong bansa kasunod ng pagrepoert ng walong bagong kaso sa nakalipas na 24-oras, ayon sa huling datos ng DOH ngayong Biyernes.
Karamihan sa mga ito ay mula sa National Capital Region sa 33, kasunod ang Central Luzon at Ilocos na may tig-12.
Nasa 57 ang biktima ng illegal firecrackers, ayon pa sa DOH.