Ni LILY REYES
ISANG linggo bago matapos ang term extension ni Philippine National Police (PNP) chief General Benjamin Acorda, tatlong pangalan ang lumutang na posibleng humalili bilang hepe ng pambansang pulisya pagsapit ng Marso 31 ng kasalukuyang taon.
Pag-amin ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. bagamat mahalaga ang tinawag niyang na “output-based” selection ng susunod na PNP chief, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pa rin ang may kapangyarihang magpasya sa naturang usapin.
Hamon naman ni Abalos sa susunod na PNP chief, tugunan ang suliranin ng bansa sa droga, kriminalidad at cybercrime.
Para kay Abalos, malaking bentahe sa bansa kung magagawa ng susunod na PNP chief mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lipunan.
Itinakda sa Marso 27 ang turnover ceremony sa pagitan ni Acorda at ng susunod na hepe ng pambansang pulisya.
