MATAPOS ang mahigit isang taon, tuluyang nalaglag sa sa bitag ng gobyerno ang dating congressman na pinaniniwalaang utak sa likod ng pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at iba pa.
Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, inaresto ng mga operatiba ng Timor Leste si former Negros Oriental Rep. Arnie Teves Jr. habang naglalaro ng golf sa lungsod ng Dili ng naturang bansa.
Nasa kustodiya na rin aniya ng Timorese Police si Teves habang inaayos pa ang mga dokumento para sa pag-uwi ng wanted na kongresista.
Si Teves ang itinuturong utak sa pagpatay kay Degamo at siyam na iba pa kaugnay ng paglusob ang pamamaril ng hindi bababa sa 10 katao sa bahay ng yumaong gobernador sa Barangay San Isidro, sa bayan ng Pamplona noong Marso 4.
“Words cannot express how it feels to finally see the man who terrorized our province and brutally murdered my husband surrounded by police,” pahayag ni Pamplona Mayor Janice Degamo (asawa ng pinatay ng gobernador) matapos matanggap ang impormasyon hinggil sa pagkadakip kay Teves.
Bago pa man ang insidente ng pagdakip kay Teves, nakipag-ugnayan ang International Criminal Police Organization (Interpol) sa pamahalaan ng East Timor para tuntunin at arestuhin ang dating congressman na nasa tinaguriang ‘red list’ bunsod ng mahabang talaan ng kasong pagpatay sa lalawigan ng Oriental Mindoro sa nakalipas na limang taon.
“Today’s apprehension of Teves is a testament to the power of international cooperation,” ani Remulla sa isang pahayag.
“It sends a clear message that no terrorist can evade justice and that nations stand united in safeguarding the safety and security of their citizens,” dagdag pa ng Kalihim.
