
SA hangaring bawasan ang aberyang dulot ng mabagal na proseso sa pagrerehistro ng mga sasakyan, isang panukalang amyenda sa umiiral na batas ang isinusulong sa Kamara – three-year validity sa vehicle registration.
Sa ilalim ng House Bill 7404 (Three-Year Vehicle Registration Act), target ni Quirino Rep. Midy Cua na amyendhan ang Section 14 ng Republic Act 4136 (Land Transportation and Traffic Code).
Giit ni Cua, isang beses lang kada tatlong taon dapat magparehistro ng sasakyan para iwas-abala sa hanay ng mga motorista.
Pasok din sa panukala ang mga bagong sasakyan na batay sa umiiral na reglamento ay awtomatikong tatlong taong rehistrado paglabas ng kasang binilhan.
Paliwanag ng kongresista, lubhang apektado ang mga nagpaparehistrong karaniwang lumiliban sa trabaho sa tuwing sasapit ang takdang buwan ng vehicle registration.
“While the whole process typically only takes a few hours, most vehicle owners must take a leave of absence from work to process their application. By extending the validity of certificates of registration, motor vehicle owners can avoid missing work and preserve their leaves of absence for other matters. Furthermore, business owners using motor vehicles will reduce the number of days when their motor vehicles are unavailable,” ani Cua.