November 12, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

GUN BAN, IDINEKLARA SA BUONG NEGROS ORIENTAL

NI EDWIN MORENO

MATAPOS ang pagsalakay sa limang bahay at resort na pinaniniwalaang pag-aari ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves, nagdeklara ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) sa buong lalawigan sa hangarin pahupain ang tensyong dulot sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo kamakailan.

“All permit to carry firearm outside residence (PTCFOR) are hereby suspended in Negros Oriental until further notice. Only the members of the PNP, AFP, and other law enforcement agencies who are performing official duties and in agency-prescribed uniforms will be allowed to carry firearms,” ayon kalatas ng PNP.

Bukod kay Degamo, walong iba pa ang nasawi habang 13 ang malubhang nasugatan matapos pasukin at magpaulan ng bala ang nasa 10 armadong kalalakihan sa mismong bahay ng punong lalawigan sa bayan ng Pamplona (Negros Oriental) isang linggo na ang nakalipas.

Sa loob ng 48 oras, arestado ang apat na suspek habang isa ang namatay matapos manlaban umano sa mga operatiba. 

Inginuso naman nina Joric Garrido Labrador, Joven Calibo Javier, Benjie Rodriguez, Osmundo Rojas Rivero ang kongresistang nasa Estados Unidos na di umano’y nag-utos sa kanilang paslangin ang gobernador.

Sa follow-up operation, 16 mataas na libre ng baril, sanyambak na bala at tatlong pampasabog ang nasamsam matapos pasukin ang limang bahay na pininiwalaang pag-aari ng kongresistang kalaban ng pumanaw na gobernador.