TALIWAS sa inaasahang paglobo ng bilang ng mga Pilipinong mabibigyan ng karapatang pumili ng karapat-dapat sa pwesto, mababawasan pa ang bilang ng mga botanteng pwedeng lumahok sa 2025 midterm election.
Pag-amin ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia, posibleng umabot lang sa 67 milyon ang pwedeng bumoto sa nalalapit na 2025 midterm election.
Paliwanag ni Garcia, nasa 4.2 milyong botante ang tutungkabin ng poll body sa official voters’ list ng Comelec. Ang dahilan – hindi nakaboto sa nakalipas ng dalawang halalan.
Sa naturang bilang, pasok ang 1,829 na indibidwal na tinanggalan ng karapatan ng husgado, at 595 na iba pang tinalikuran ang pagiging Pinoy sa bisa ng “Loss of Filipino Citizenship.”
“Some 4.2m voters will be deactivated. Hence , deductible to the present total no. of voters of 68 million,” wika ni Garcia.
Base sa datos ng Comelec, pinakamarami ang deactivated mula sa Calabarzon region, kasunod ang Central Luzon, at Cordillera Autonomous Region (CAR).
Patuloy naman ang malawakang voters’ registration hanggang Setyembre 30 ng kasalukuyang taon.
