MATAPOS marekober ng mga mangingisda mula sa Masbate ang isang underwater spy drone, apat pang submarine-type spy gadget ang nadiskubre sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa Philippine Navy.
Sa isang pulong balitaan, ibinahagi ni Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad pagsasagawa ng tinawag niyang “forensic investigation” sa mga underwater spy drones na nakuha ng mga namamalayang Pinoy sa karagatan sa Calayan Island, Ilocos Norte at Misamis Oriental.
“The five that were given to us for forensics. Two were found in Calayan Island; one in Pasuquin, Ilocos Norte; the most recent one in Masbate; and another one in the waters of Initao, Misamis Oriental,” ayon kay Trinidad.
Pag-amin ng opisyal, wala pang malinaw na detalye sa pinagmulan ng mga underwater spy drone na isinuko ng mga magsasaka. Aniya, inaabot ng anim hanggang walong buwan ang forensic investigation sa mga narekober na “highly sophisticated spy gadget.”
Gayunpaman, isa aniya sa mga narekober na drone ang kumpirmadong ginagamit ng militar.
