PITO sa kada 10 Pilipino ang kumbinsido na tama lang imbestigahan ng International Criminal Court (ICC) ang malawakang patayan sa likod ng giyera kontra droga na inilunsad sa ilalim ng termino ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Sa isang survey na pinangasiwaan ng Octa Research Group noong ikalawang linggo ng Disyembre ng nakaraang taon, lumalabas din na 55 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat makipag tulungan ang pamahalaan sa ICC para makamit ang asam-asam na hustisya para sa mahigit 6,000 pinaslang sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.
Pinakamarami sa mga nakapanayam na nagbigay suporta sa ICC probe ay mula sa Balanced Luzon (65%) habang pumangalawa naman ang Metro Manila (52%), kasunod ang Visayas (50%) at Mindanao (42%).
Batay sa datos ng SWS, edad 75 pataas ang may pinakamaraming bilang sa hanay ng mga kumbinsido bigyang-puwang ang ICC probe.
