Ni EDWIN MORENO
TODO-tanggi si former Philippine National Police (PNP) chief General Benjamin Acorda Jr. sa patutsadang nagdadawit sa kanya bilang protektor di umano ng illegal Philippine Offshore Gaming Operations(POGO) sa bansa.
Ayon kay Acorda, wala rin siyang kinalaman sa pagtakas ng sinibak na alkalde ng Bamban (Tarlac) na si Alice Guo, kasabay ng giit na hindi siya kailanman tumanggap ng payola mula sa POGO.
Bago pa man pumiyok si Acorda, inilabas ni Senador Risa Hontiveros ang isang larawan ni Acorda kasama si Tony Yang na nakatatandang kapatid ni former Presidential Economic Adviser Michael Yang.
Sa isa pang larawan, kasama naman ni Acorda ang kapatid ni Alice Guo na si Wesley at Sual, Pangasinan Mayor Dong Calugay.
Pag-amin ni Acorda, lubha niyang dinamdam ang panghuhusga sa kanya at sinabing hindi sana dapat bigyan ng konklusyon ang mga litrato na nakitang kasama ang mga personalidad na iniimbestigahan sa Senado.
Bilang patunay na wala siyang koneksyon sa mga bulilyaso niona Yang at Guo, siya pa di umano mismo ang naglabas ng direktibang salakayin ang illegal POGO hub sa bayan ng Bamban sa lalawigan ng Tarlac.
Karagdagang Balita
1M BOTANTE BISTADO SA MULTIPLE REGISTRATION
PAOCC SPOX NANAMPAL, SINIBAK NG PALASYO
DEMOLITION JOB KONTRA KAMARA, INALMAHAN