HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang barangay chairman mula sa bayan ng San Juan, Ilocos Sur matapos tambangan ng mga hindi pa natutukoy na salaring sakay ng motorsiklo.
Bukod sa 52-taong gulang na Barangay Chairman Bello Joseph Valorozo, patay din ang nak na lalaki si Jomar na kasama ng ama sa minamanehong van.
Ayon sa lokal na pulisya, papauwi na ang mag-ama habang sakay ng van nang dikitan di umano ng riding-in-tandem sa kahabaan ng national highway na sakop ng Barangay Lapting dakong alas 7:00 ng gabi.
Pagtapat di umano ng mga suspek, agad na pinutukan ang mag-ama. Nagawa pa di umano ni Valoroso imaneho hanggang sa tapat ng isang hardware ang van. Agad na isinugod sa pagamutan ang mag-ama kapwa idineklarang dead on arrival.
Mabilis naman umiskyerda ang mga salarin.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa hangaring alamin ang motibo at tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
