IMINUNGKAHI ni AGRI Partylist Rep. Manoy Wilbert Lee ang pag-amyenda sa Republic Act 9729 (Climate Change Act of 2009) partikular ang pagkakaroon ng kaukulang kinatawan mula sa hanay ng mga magsasaka at mangingisda sa pagbalangkas climate change-related policy ng bansa..
“The destruction brought by past calamities highlights the vulnerability of our agricultural communities to climate change. Alam natin ang trahedyang naidudulot ng mga kalamidad sa ating mga magsasaka at mangingisda. Pagkatapos masalanta ang kanilang kabuhayan, walang naiiwan sa kanila kundi utang at lalong pagkalubog sa kahirapan,” giit ni Lee.
“We must ensure that those who are most affected by disasters, particularly our farmers and fisherfolk, have a stronger voice in crafting policies that directly impact their livelihoods and well-being,” dagdag pa ng Bicolano lawmaker.
Sa kanyang inihaing House Bill No. 11499, sinabi ng AGRI Partylist na sa bisa ng RA 9729 ay itinatag ang Climate Change Commission at pagpapatupad ng iba pang hakbang para maibsan ang epekto ng pagbabago ng panahon.
Subalit puna ni Lee, hindi kasama ang pagkakaroon ng panuntunan para makaagapay sa kapakanan ng mga magsasaka at mangingisdang apektado ang kabuhayan sa tuwing may pananalasa ang bagyo.
Kaya naman mungkahi ng AGRI partylist, “Section 5 of the Climate Change Act must be amended to include provisions for active participation from the agricultural sector. It is not enough that the agriculture secretary is on the advisory board. We must have representatives who know firsthand the experiences and the needs of those on the ground.”
“There should be another seat on the advisory board reserved for farmers and fisherfolk. This is not just about mere representation. It is about having an informed decision-making process,” dugtong ng AGRI partylist.
“Ang ating mga magsasaka, mangingisda at local food producers ang pangunahing apektado ng climate change. Anumang polisiya ukol dito ay kailangan nilang masuri at mapag-aralan. Dapat pakinggan ang kanilang boses dahil nakasalalay dito ang kanilang kabuhayan, kita at kinabukasan ng pamilya,” aniya pa.
Panawagan ang reelectionist AGRI Partylist, agarang pag-apruba sa nasabing panukala kabilang na rin ang pagpapalawak sa crop insurance coverage para protektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka na grabeng naapektuhan ng kalamidad.
Una nang inihain ng AGRI Partylist ang House Bill 7387, na naglalayong mapagbuti ang mga serbisyo ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at humihimok din sa private sector na maging bahagi ng agricultural insurance.
“Bawasan natin ang pangamba ng ating mga magsasaka, mangingisda at local food producers na itinuturing nating ‘food security soldiers’. Sa proteksyon sa kanilang kabuhayan at pagsusulong ng tiyak nilang kita, mas ma-e-engganyo silang taasan ang produksyon, na magpaparami ng supply at magpapababa sa presyo ng bilihin, kung saan panalo ang sambayanang Pilipino,” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
