WALANG bahid-pulitika ang kapasyahan ng Kamara na patalsikin bilang mambabatas si Cavite 4th Dist. Rep. Francisco “Kiko” Barzaga, ayon kay House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, kasabay ng giit na ang desisyon ng Kamara ay bahagi ng pagtataguyod ng accountability at decorum.
Paglilinaw ni Alonto Adiong, walang kaugnayan sa pagiging kaalyado umano ni Vice President Sara Duterte ang pagpapataw kay Barzaga ng pinakamabigat na parusa mula sa kinakaharap na Ethics complaint.
Ayon sa Lanao del Sur lawmaker, dapat panindigan ng bawat mambabatas ang dignidad ng institusyong kanilang kinabibilangan. Angkop rin niya pahalagahan ang tiwalang ipinagkaloob ng mga nasasakupan nila.
“Kung ako pong tatanungin niyo personally, because as a colleague, I would expect my colleague to also set a standard wherein his behavior and the way he performs his job is commensurate to the public office that he was elected to,” sabi pa ni Alonto Adiong, na siya ring chairman ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms, said.
“Ibig sabihin po, ‘pag ikaw ay pinagkatiwalaan ng iyong taong bayan, parte po sa pagtitiwala ay expectation nila na ikaw ay mag-aasta ka na respetuhin mo ‘yung opisina, because you cannot personalize the office,” dugtong niya.
Kung ang isang mambabatas aniya ay mayroong reklamo laban sa kapwa niya lawmaker o sinumang opisyal ng gobyerno, dapat idaan sa kaukulang legal channel sa halip na gumawa ng pangkalahatang paratang na wala namang sapat na ebidensiya.
“If you have evidence, if you’re really an anti-corrupt crusader, there are venues and democratically legitimate avenues for you to express and to complain, air your complaint on a specific and particular public official,” mungkahi niya.
“You can go to the Ethics [Committee], you can file an ethics [case]. You can go to the Ombudsman, you can ask them to investigate this, you can go to many other avenues.”
