ISA lang mula sa hanay ng mayorya, sapat na. Sa pagtawid ni dating Senate President Francis Escudero, nakabuo ng quorum ang minorya kasabay ng paghalal kay Senador Win Gatchalian bilang bagong Senate President Pro Tempore.
Sa sesyon ng Senado Miyerkules ng hapon, agad na naghain ng mosyon si Senate minority leader Vicente Sotto III na nagsulong ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa senado.
Giit ni Sotto, hindi na katanggap-tanggap ang tatlong magkasunod na araw ng boycott ng mayoryang pinamumunuan ni Senate President Alan Peter Cayetano.
Dito na pumasok ang nominasyon at agad na pagkakahalal ni Senador Sherwin Gatchalian bilang bagong senate president pro-tempore, kapalit ni Senador Loren Legarda.
Bukod sa posisyon ng senate president pro tempore, itinalaga rin ang sumusunod na committee chairpersons:
– Sen. JV Ejercito – Finance
– Sen. Tito Sotto III – National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation
– Sen. Panfilo Lacson – Public Order and Dangerous Drugs, Accounts
– Sen. Erwin Tulfo – Blue Ribbon, Social Justice, Welfare and Rural Development
– Sen. Raffy Tulfo – Public Services
– Sen. Bam Aquino – Basic Education
– Sen. Kiko Pangilinan – Agriculture, Food and Agrarian Reform
– Sen. Risa Hontiveros – Health and Demography
– Sen. Lito Lapid – Games and Amusement
– Sen. Chiz Escudero – Urban Planning, Housing and Resettlement
– Sen. Miguel Zubiri – Foreign Relations, Rules
Samantala, nanindigan ni Cayetano na ilegal ang pagluluklok ng minorya sa mga sensitibong posisyon kabilang ang senate president pro tempore, gayundin ang chairman ng iba’t ibang komite.
