MATAPOS tuluyang sibakin bilang kongresista ng Kamara, masusing pinag-iisipan ni expelled Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga tumakbo bilang gobernador sa lalawigan ng Cavite na kasalukuyang kontrolado ng pamilya Remulla.
“Meow… maybe nyahahaha,” tugon ni Barzaga nang tanungin hinggil sa usap-usapang plano labanan ang mga Remulla sa susunod na halalan.
Higit na kilala ang lalawigan ng Cavite bilang “Remulla Country.”
Kung hindi man aniya ituloy ang karera sa politika, isa rin umano sa nais ni Barzaga pasukin ang magulong mundo ng showbiz bilang artista.
Araw ng Martes nang sibakin ng mga kasama sa Kamara ang bagitong kongresista bunsod ng “disruptive at disorderly behavior,” hindi lamang sa social media kundi maging sa loob ng plenaryo ng Kamara.
Habang nasa “mahabang bakasyon” ibinahagi ng dating congressman ang planong ibuhos muna ang panahon sa pag-aalaga ng mga pusa.
