SA kumpas ni Land Transportation Office (LTO) chief Atty. Vigor Mendoza, inilunsad ang malawakan at mas pinaigting na kampanya laban sa kolorum at maging yaong mga na out-of-line public transportation.
“This has long been a problem that requires attention and sustained operations to ensure that only those granted with permits could operate. Buhay ng mga mananakay ang nakataya dito kaya dapat natin itong pagtuunan ng pansin as an agency in charge of land transportation safety,” sambit ni Mendoza sa isang pahayag ng ahensya.
Paglilinaw ni Mendoza, hindi saklaw ng insurance ang mga kolorum sakaling masangkot sa isang aksidente habang namamasada at sakay ang walang kamalay-malay na pasaherong nilalagay sa peligro bunsod ng kawalang permiso mula sa naturang tanggapan ng gobyerno.
Ayon sa LTO chef, saklaw ng operasyon kontra kolorum ang mga terminal ng mga pampublikong sasakyan, at mga school service na sumusundo sa mga mag-aaral mula at patungo sa paaralan at kani-kanilang tahanan.
Partikular na inatasan ni Mendoza ang mga regional directors na makipag-ugnayan sa iba pang ahensyang katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga lansangan – kabilang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police – Highway Patrol Group.
“We are taking the problem of colorum very seriously. That is why we will partner with other government agencies so that we can once and for all stop their illegal operations. Hindi basta basta ang kalaban na ating susugpuin dahil sanga-sanga na ang kanilang operasyon kaya’t kailangan na natin ng tulong ng ibang ahensya.”