BAGO pa man naglabas ang kautusan ng Korte Suprema, pinagtibay na ng Kamara ang anti-political dynasty law, patunay na binigyang-prayoridad ng pamunuan ng mababang kapulungan ang panukalang batas na tatapos sa paghahari ng iilan. Sa isang pahayag, binigyan-diin ni House Speaker Faustino Dy III na “isang prayoridad ng Bagong Kongreso ang maisabatas ang isang makatwiran at konstitusyonal na Anti-Political Dynasty Law bilang bahagi ng tungkulin nitong bigyang-bisa ang mga patakaran at prinsipyong itinakda ng Konstitusyon at isulong ang mga repormang nagpapalawak ng pantay na pagkakataon, nagpapatibay ng demokratikong pakikilahok, at nagtataguyod ng mabuting pamamahala.” Hunyo 3 nang pagtibayin sa plenaryo ang House Bill 8389 — na akda nina Dy at Majority Leader Sandro Marcos, sa botong 267 pabor, 20 tutol at pitong abstention. Limang araw pagkatapos aprubahan, agad na nai-transmit ng kamara sa senado ang aprubadong panukala. Kamakailan lang nang pitikin ng Korte Suprema ang Kongreso sa kawalan ng “enabling law” na kailangan para wakasan ang political dynasty sa bansa — alinsunod na rin sa 1987 Constitution. Giit ng Korte Suprema, isang “grave abuse of discretion” ang pagbabalewala ng Kongreso sa nakalipas na 39 na taon. “Thirty-nine years after the ratification of the 1987 Constitution, Congress has a historic opportunity to give fuller legislative effect to a constitutional policy that has long awaited comprehensive implementation,” tugon naman dito ng lider ng Kamara. “Ang layunin ay makabuo ng batas na nagtataguyod ng pantay na pagkakataon sa serbisyong publiko, naglalayong maiwasan ang konsentrasyon ng kapangyarihang pampulitika sa iilang pamilya, at nagpapatibay sa pananagutan at integridad ng ating mga demokratikong institusyon.” Iginiit naman ni Speaker Dy na ang constitutional policy laban political dynasties” ay hindi lamang silang pagtatakda ng pagbabawal sa political families. “Its implementation requires a fair, definite, and principled legal framework that promotes equal access to opportunities for public service while preserving the fundamental role of the electorate in choosing its representatives,” paliwanag ng House Speaker. “Sa huli, ang layunin ng batas ay tiyakin na ang serbisyo publiko ay mananatiling bukas sa mas maraming Pilipino, ang mga limitasyong ipapataw ay malinaw at makatwiran, at ang paggamit ng kapangyarihang pampulitika ay mananatiling nakabatay sa Konstitusyon, sa pananagutan sa bayan, at sa soberanong kalooban ng mamamayan. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Impeachment court dedma sa pang-iinsulto ni Duterte Anti-Espionage Bill, aprubado sa Kamara